Search
Utoy
- Ronnie Andino
- Apr 7, 2017
- 1 min read
Si Utoy kaykay ang buhangin habol-habol ang kulukoy saka dadakmain at isisilid sa plastik na buslong tangan-tangan.
Alpas ng amang nagbabakaw saka hihikap hanggang abutin ng tirik ng araw.
Si Utoy, kaykay ang buhangin agap-agap ang lamang dagat na mailap habang ang ama ay binabakayan ang bangkang may banyerang puno ng banagan.

Comments